Wagas ang cuteness ng anghel nina Dingdong Dantes at Marian Rivera na si Maria Letizia sa isang IG post ni Dong.

“My Letizia with the best looking, rat-faced doll,” ang caption ni Daddy Dong sa pic ni Zia na natutulog at may katabing stuffed Minnie Mouse doll.

Magaling mag-‘rat face’ ang bagets at aliw na aliw ang mag-asawa sa tuwing ginagawa ‘yon ng kanilang napaka-cute na panganay.

Ang ganda-gandang bata ni Letizia na ang amo ng mukha at ang hahaba ng mga pilikmata.

Aliw din ‘yung pic ni Dong na karga niya sa lap niya si Baby Z at nag-selfie silang mag-ama sa salamin habang hinihintay ang nagsa-shopping na si Marian nu’ng nasa Amerika sila.

“Whenever she shops, we wait,” ang cute na caption dito ni Dong.

Nag-Napa Valley sila sa California, na may kuha si Dong kay Yanyan na bumababa sa hagdan ng Castello di Amorosa na ang sweet caption niya ay, “NAPAkagandang babae, oh…”

Naka-bonding din ni Dong sa nasabing wine growing region ang ilang good friends niyang lalaki at may pic sila na para silang mga batang paslit na masayang nagdya-jump shot.

Aliw din ang pa-hashtag niya rito na #napavalley #napatalon #napadaanlang at #napainom.

Kahit ka-bonding ang kanyang mag-ina ay nakapaglaan ng oras si Dong para sa kanyang mga kaibigan.

Lakas maka-happy ng famiy pic na pinost ni Yan na kuha sa nasabing winery na karga ni Dong si Baby Zia na first time nilang naisama abroad.

Feel na feel din ni Yan ang pag-pose sa magagandang bulaklak sa Villagio dahil sobrang hilig niya sa flowers.

Hindi ganu’n kahaba ang US trip na ‘yon ng Kapuso Primetime King dahil kailangan niyang mag-taping para sa kanyang primetime action drama-series na Alyas Robin Hood.

***

Baby Seve
Baby Seve

HINDI ipinagkait ng brand new parents na sina Toni Gonzaga-Soriano at Direk Paul Soriano ang picture ng panganay nilang si Baby Seve.

Sa isang news report ng TV Patrol u­nang nasilayan ang larawan ng sanggol na si Severiano Elliott Gonzaga Soriano nu’ng Biyernes nang gabi.

Si Direk Paul ay in-screenshot pa ang pic ni Baby Seve at ipinost ‘yon sa Instagram.

“My little boy on TV,” ang caption dito ng proud daddy na si Paul.

Nu’ng Biyernes nang umaga nagsilang si Toni, tapos kinagabihan ay may picture na ng baby niya sa news.

Hindi sila gaya ng ibang celebrity pa­rents na may kiyemeng a­yaw munang ipakita sa publiko ang pic ng kanilang anak at pinapatagal para mas ma-curious ang fans.

Ang potential ‘stage tita’ na si Alex Gonzaga ay pinost din sa IG ang cute na cute na pic ni Baby Seve.

Sey ni Alex, “No bias but for me, Baby Seve is the cutest baby in the world!!!!!! Sa wakas at nairi ka na ni Inang Ate!”

Halatang excited ang first time Tita na si Alex sa kanyang pamangkin.