Ilang araw lang ang pahinga, muling tatapak sa damuhan si Clyde Mondilla para puntiryahin ang back-to-back titles sa Philippine Golf Tour, revival ng ICTSI Philippine Masters, sa Miyerkules sa Villamor Golf Club sa Pasay.

Katatapos lang talunin ni Mondilla, 24, noong Sabado sina Miguel Tabuena at Tony Lascuña sa ICTSI Manila Southwoods Champ­ionship.

Bongga ang pagbaba­lik ng Masters matapos ang 17 taon, si Cassius Casas ang huling nag-kampeon noong 2000.

Nais ipagpatuloy ni Mondilla ang magandang performance matapos ang mintis nito sa Solaire Philippine Open at ICTSI Manila Masters.

Liyamado sa laban sina Robert Pactolerin, Casas, at Rodrigo Cuello pero mapapalaban sila sa mga bagong matitikas na shotmakers.

Hindi makakasali si Tabuena sa Philippine Masters dahil sa European Tour ito babanat.

Papalo rin sina Jay Bayron, Elmer Salvador, Gerald Rosales, Mars Pucay, Rey Pagunsan, Benjie Magada, Jhonnel Ababa, Marvin Dumandan, at Mhark Fernando.

Sina Ira Alido, Jobim Carlos at Keanu Jahns ang mga young stars na markado sa laban.

Ang mga foreign challengers ay sina Lexus Keoninh, Paul Harris at Nicolas Paez ng US, Park Jun Sung ng Korea, Dutchman Guido Van der Valk,  Peter Stojanovsk ng Macedonia, at Australians Nathan Park, Jason Dawes at David Gleeson.