Karaniwang exit point ng mga fugitive sa batas ang southernmost parts ng Mindanao. Why?

Kasi nga ay sasakay ka lang ng speedboat ay nasa teritoryo ka na ng Malaysia, using Sabah, kung saan ay napakara­ming Filipino.

Walang immigration officers na haharang sa iyo sa jump-off points sa Mindanao at hindi na kailangan pa ng visa o ibang travel documents. In the case ng job-seekers, hindi na kailangan ng work permits.

Kaugnay nito ay nagbabala ang Philippine Embassy­ sa Malaysia laban sa mga illegal recruiter na ginagamit na exit point ang Zamboanga o ­Tawi-Tawi papuntang Malaysia.

Best scenario

Non-existent ang job offers either para sa Sabah o sa third country destination tulad ng Dubai, babala­ ng embahada.

Dapat daw na maalarma ang mga aplikante kung sa Zamboanga o Tawi-Tawi sila pinapa-exit patungo ng Malaysia na dumadaan sa Sabah dahil pagdating doon ay mas malamang sa hindi na mapabalik lang sila sa Pilipinas.

And that’s the best scenario pa nga kung tutuusin — ang mapa-deport pabalik ng Pilipinas.

Masaklap

Mas masaklap ang mabiktima ng human traffickers­ na ang mga ni-recruit ay pinagtatrabaho­ sa mga kasa.

Nope, hindi kasa o service centers ng mga car dealers ha. Kasa — as in red houses o prostitution dens.

Ilang columns na rin ang na-devote natin sa mga nasadlak sa prostitusyon sa Sabah, kung inyong ­natatandaan. So be warned.

15 victims

Last month lang ay 15 Pinay ang ni-recruit bilang household workers via Facebook at sa Sabah ang sinabing jump-off point nila para sa final destination like UAE.

Sa Palawan muna pinapunta ang mga ni-recruit at tapos ay dinala sila sa Tawi-Tawi kung saan sila isinakay ng speedboat.

Actually, hindi naman kailangan na lumabas sa backdoor exit para magduda na baka illegal recruiter ang inyong ka-deal.

Visit visa

Always deal with licensed placement agencies and kahit licensed pa sila ay check ninyo sa POEA kung current ang license nila at kung may existing job ­orders sila para sa trabahong inio-offer.

Kung tourist o visit visa ang gagamitin ninyo pala­bas ng bansa pero trabaho ang pupuntahan ninyo­ warning bell ‘yan. Have your papers processed by POEA.

Come Follow Me on Twitter @beeslist. And Chime In with your opinions or comments. Kung may pinagsisintir, email lang sa usapang_ofw@yahoo.com or tumawag sa phone number 551-5163.