Baclao, Almazan tambalan sa Meralco

KAHIT tigil ang laro sa PBA ay hindi naman ito naging dahilan para patuloy na magpalakas ang mga team.

Tulad ng Meralco Bolts na pinapirma na si Noy Baclao sa kanilang team upang maging kasangga ng isa pang big man na si Raymond Almazan.

Sa ngayon, pareho pang injured ang dalawang bigs.

Si Baclao ay nagkaroon ng injury sa kanyang right patellar tendon noong nakaraang Governor’s Cup.

Reunion ito ni coach Norman Black at Baclao na nagsama noon sa Ateneo Blue Eagles at dinomina ang UAAP. (Sarah Asido)