Kabubukas pa lang ng season ending 44th Philippine Basketball Association Governor’s Cup 2019 Biyernes nang gabi, agad nang nabawasan ng isang manlalaro ang Alaska Milk tapos na ma-injury sa kanang tuhod ang sentrong si Noy Baclao, may 11:02 pa sa orasan.
Hula ng doktor ng koponan na patella tendon sa right knee ang sinapit ng basketbolista.
Hangad ni Baclao na ilapit pa ang Aces sa 83-95 paghahabol sa ginawang pag-atake. Pero nablangka ang kanyang lay-up at napasama ang pagbagsak ng kanang hita.
‘Di na siya nakatayo pagkaraan mula sa sahig at inilabas na naka-stretcher, bumulilyaso sa binyag kay Jeffrey Cariaso bilang coach ng Alaska.
Agad dinala sa dugout si Baclao at sasailalim sa MRI upang malaman kung hanggang saan ang natamong na injury
Nagpapagaling pa mula sa magkakaibang injury para rin sa Aces sina Derrick Ahanmisi, Kevin Racal at Jeron Teng. (Lito Oredo)