Umaabot sa P15 milyong halaga ng shabu ang nasabat ng mga pulis sa buy-bust operation sa Bacolod City kamakalawa.
Sa report ng Bacolod City Police, nabigong maaresto ng pulisya ang target na si Reynante Villanueva pero dinatnan at inaresto ang misis nitong si Julie at isang bisita na si Jan Deocampo na nahulihan ng tatlong sachet ng shabu.
Napag-alaman na matapos ang buy-bust operation ay mabilis na nawala at tumakbo si Reynante at nakatakas.
Nang maghalughog sa bahay ng suspek ay nadiskubre ang isang kilo ng shabu na nagkakahalaga ng P15 milyon.
Pinaghahanap na ng pulisya ang suspek na nakatakas.