Tatlong pulis sa Bacolod City ang sinibak sa kanilang puwesto dahil sa pagsasanla ng kanilang service firearms.

Kinilala ang mga tinanggal at sinampahan pa kasong administratibo na sina PO3 Joel Gatcho, PO1 Cheryl Jimena, at PO3 Eugene Tamayo.

Nabuko ang ginawa ng mga nabanggit na alagad ng batas nang marekober ang 9mm glock pistol ni Gatcho­ sa sasakyang ginamit sa tangkang pagpatay sa mag-live-in partner noong Linggo ng madaling-araw.

Natukoy ang suspect na si Ricky Serenio, isang drug pusher na sumuko dahil sa Oplan Tokhang.

Una rito, pinasakay ni Serenio ang mag live-in na sina Joem Villacuer at Roselyn Distua ngunit kanya itong tinangkang patayin subalit naagaw ni Villacue­r ang baril kaya tumakbo ang suspek.

Sa imbestigasyon, natukoy na ang baril ay inisyu­ kay PO3 Gatcho at nabatid na isinanla niya ito sa t­ulong ni PO1 Jimena.

Nadiskubre rin na maging si PO3 Tamayo, naka-­assign din sa Police Station 3 ay nagsanla rin ng kanyang baril.