Bacolod walang bagong virus

Wala umanong bagong kaso ng coronavirus (COVID-19) sa Bacolod City, ayon kay Do Dr. Grace Tan, spokesperson ng Inter-Agency Task Force against Covid-19.

Ayon kay Tan, anim na pasyente ng Covid sa lungsod ang `clinically recovered’ bagamat may isang nasawi noong Marso 31 na isang 62- anyos na babae na galing Maynila at may direct contact sa isa pang pasyenteng may virus.

Ang anim ay hinihintay pa ang confirmatory swab results.(Prince Golez)