MAY malaking selebrasyon ngayong araw ang Lungsod ng Bacoor na kung saan ire-reenact nila ang Bacoor Assembly na nangyari nu’ng 1898.
Ayon sa mga taga-Bacoor na nanaliksik sa ating kasaysayan, itong araw ng August 1 ang lehitimong proklamasyon ng ating Araw ng Kalayaan.
Iyung June 12 ay prinoklama raw ni Llamanzares Bautista pero hindi raw ito pinirmahan ni Gen. Emilio Aguinaldo.
Sa Bacoor Assemby daw pinirmahan ni Gen. Aguinaldo ang deklarasyon ng ating Independence Day na ginawa ni Apolinario Mabini.
Sabi ng Bacoor Mayor Lani Mercado-Revilla, pagkatapos ng research na ito ng Bacoor Historical Society, kinumpirma na raw ito ng National Historical Institute.
Kaya dadaluhan nila ito para saksihan ang pagsasadula ng Bacoor Assembly.
Hindi raw nila masasabing ililipat na ng August 1 ang Philippine Independence pero magkakaroon daw ng ratification na dadaluhan ng mga taga-National Historical Commission of the Philippines, mga kilalang historians at descendant ni Gen. Aguinaldo na pangungunahan ni Mayor Lani.
Magkakaroon ng programa ngayong hapon sa Plaza de Padre Mariano sa Bacoor.
Dito nila ilu-launch ang kanilang Bacoor Singing Ambassadors.