DALAWANG kabataang lalaki ang timbog sa kapulisan. Diumano, ang mga lalaking ito ang pumaslang sa isang barangay captain.
Hindi ko na uulitin pa ang pamamaraan kung paano natsugi ang barangay captain.
What they did to the man, hindi ko sure kung triggered by madness or hatred. At ang dahilan, they coveted something na hindi sa kanila.
Sa social networking sites, lumabas ang mga larawan at video ng dalawang binata. Parehong guapo. Yummy ang pangangatawan. Pwedeng studlets.
Parang sanay magpaibig at makipaglaro sa mga maricon if the price is right.
Chika-chika tungkol kina banana A at banana B, para sa alay na pitong sampal (P7K) eh go for gold at platinum ang kanilang ‘serbisyong totoo’?
Totoo rin ba ang mga tiktak na sa P300K (pondo ng barangay) natukso ang bad bananas?
At ang kanilang object of desire, na tila hindi na sila makakapag-antay pa eh ang latest iPhone?
Bakit sila umabot sa being so consumed with lusting for material things?
Sino ang dapat sisihin? Sino ang dapat pagalitan? Sino ang dapat pangaralan?
Mga magulang ba nila? Pressure from their peers? Social media ba?
Sobra ba silang lured sa subliminal messages coming from products kaya hindi na nila ma-resist ang kanilang wants?
When they succumbed to their madness, can they use the excuse na dahil sa alcoholic substances na they took, na given to them by an elder, they were so freaking intoxicated and their judgement about right and wrong snapped?
Sa kaganapang ito, masasabi pa ba nating ang mga kabataan ang pag-asa ng bayan?
Sa pamilya ng pinaslang, hindi ko po alam kung ano ang dapat na salitang ibigay sa inyo para kalmahin ang inyong mga damdamin at kalooban.
Sa mga pamilya ng mga binatang may alegasyon na sila ang pumaslang sa kapitan, hindi ko rin po alam ang dapat sabihin sa inyo.
Kung paano ninyo ito haharapin at tatanggapin at kung paano ninyo tatanggapin ang poot ng pamilya ni kapitan, nawa’y you people are made of steel and that words will not break you.
Kina banana A at banana B, patotoo kayo na laging huli na ang pagsisisi.
Kung mabubulok kayo sa bilangguan, only time can tell. Hahayaan ko na lang ang kasaysayan at korte ang humusga sa inyo.
***
Sa mga kabataan, kailangan ba talaga laging ‘yung LATEST at BRANDED ang mga gamit ninyo?
‘Pag mas mamahalin ba ang cellular phone, does it make you more confident? Dagdag ba sa ganda at pogi points?
Mas nagiging attractive at popular ba kayo kapag laging kayo ang nauna sa grupo to have this and that latest?
Hindi ko kayo nilalahat. Sigurado akong may mga kabataan pa ring simple ang pamumuhay at pangarap.
Na marunong makuntento at magpasalamat sa kung anong meron sila at alam nilang ang lahat ng tagumpay ay dapat pinagsisikapan at hindi minamadali.
Na marami-rami pa rin ang may tunay na pagmamahal sa Maykapal at sumusunod sa mga pangaral at gabay ng mga magulang.
Na sangkaterba pa rin ang marunong humindi at hindi sumasabay sa pagiging mapusok, mapaglaro at hindi bumibigay sa tawag ng laman.
Na alam ninyong may tamang panahon para sa lahat. May mga bagay na hindi dapat minamadali. Na hindi lahat ng bagay na marangya ay nakakabuti.
ang ganda talagang basahin ang mga kolum mo alwyn..walang halong bias..napaka professional at di ka lang panig sa isang side.. magaling ka pang magobserba at mag analyze ng mga situation sa showbiz at naikokomento mo ito ng maayos.. sana tularan ka nila sucaldito, fermin, alex brosas, carrasco, etc. sa panunulat.
“Pag mas mamahalin ba ang cellular phone, does it make you more confident? Dagdag ba sa ganda at pogi points?” Alwin itanong mo kay Jun Lalin meron cyang iPhone. He even explained in his column what is FaceTime.