Maduwal-duwal ang isang malditang showbiz veteran (SV) dahil hindi nito ma-take ang paeklay ng isang bortalicious actor (BA).

Dinig na dinig kasi ni SV si BA na kausap ang isang kakilala nito, tapos ay buong ningning na pinakilala ni SV ang fiancee umano nito na… yes, isang babae!

Muntik masuka si SV sa narinig niya dahil alam niyang ‘malansa’ si BA at hindi ito isang tunay na barako!

Nang marinig ni SV ang word na fiance ay na-excite siya dahil akala niya ay nakahanap na ng male partner si BA, kaya nawindang siya nu’ng makita niyang girlash ang pinapakilala nitong fiancee!

So, ibig sabihin ay engaged to be married na si BA dahil fiancee ang pakilala niya du’n sa girl.

Kailan kaya ang kasal ng dalawa?!

“My gosh, akala ko magpapakatotoo na siya once and for all, ‘yun pala eh tuloy ang pagpapanggap niya! Tama ba namang lokohin ang babae, eh alam naman niyang berde ang dugo niya? Ano ba yan??!!” tili ng mataray na si SV.

At ang nakakalokah pa, nakita ni SV si BA sa isang event na pambading kaya halos lahat ng nandu’n ay mga baklita o kaya ay mga pamhintang durog na kagaya ni BA.

Ang defensive na sey ni BA, kaya raw siya nandu’n ay dahil ininterbyu niya ang mga sikat na bading na tampok doon sa nasabing event.

“Talaga ba, marsh? Nakoh, tigilan ako, ‘no!!!” umaarko ang kilay na tili ni SV.

Actually, hindi pa rin open si BA sa kanyang sexuality, pero alam ng mga taga-showbiz kung sinu-sino ang showbiz guys na naugnay sa kanya kaya.

It turned out na namemechay din pala si BA, so fluid pala ang sexual identity nito.

Ang huling naging jowa ni BA ay isang klosetang aktor (KA) na magaling sa negosyo. Discreet si BA at si KA, na disimulado ang mga pagtatagpo at hindi sila nagpapakuha ng pictures na magkasama. Pero kung nasaan si KA ay nandu’n din si BA, kahit saang lupalop pa ng mundo ‘yon.

Madalas magbiyahe noon ang dalawa at sagot lahat ng madatung na si KA ang mga bonggang trips nila. Gay benefactor ang peg ni KA, pero na-enjoy niya naman ang sariwang laman ni BA na pinaglalawayan ng marami ang pagiging masarap at dakila.

Bulong-bulungan na naging jowa-jowaan din si BA ng isang papalicious na aktor (PA). Kahit mas may edad kay BA, in fairness ay makisig pa rin ang hunkylicious na ni PA at hindi ito padadaig kay KA sa palakihan ng kargada!

Kaya actually, bagay na bagay silang dalawa! ‘Yun nga lang… pareho silang hindi makapag-out!

Ha! Ha! Ha! PAK!!!