Bading na aktor nilayasan ang dyowa sa condo

Matagal nang pinaghihinalaan na bading ang aktor na bida sa aming blind item.

Malamya kasi siyang kumilos at magsalita. Pero kapag tinatanong siya tungkol sa tunay niyang gender, ang lagi niyang sagot ay straight siya, na lalaki siya.

Pero, kumpirmado palang bading itong si aktor. Ayon kasi sa source namin, ang driver daw ng taxi na kanyang nasakyan kamakailan ang nagkumpirma sa kanya na totoong bading ang aktor.

Nagkukuwentuhan daw kasi sila ng driver habang patungo siya sa kanyang destinasyon. Nasabi niya rito na taga-showbiz siya, at isang radio anchor. Nang marinig daw ‘yun ng driver ay tinanong siya kung kilala niya si (ang pangalan ng aktor).

Ang sagot niya ay kilala niya raw ito. Bigla raw sinabi ng driver na bading pala si aktor. Nagpasundo raw kasi ito sa condo na tinitirhan nito sa bandang Quezon City na may dalang maleta. Nu’ng nasa loob na raw ito ng kanyang taxi, bigla raw nag-ring ang phone ng aktor. Nang sagutin daw nito ang kanyang phone, rinig na rinig daw niya na sinabi nito sa kanyang kausap na, “Hindi na ako babalik diyan. Huling-huli ko kayong naghahalikan ng lalaki mo, tapos magde-deny ka pa?”

Galit na galit daw talaga ang aktor sa kanyang kausap, na alam niyang isang lalaki, kasi naririnig niya rin daw ang boses nito sa kabilang linya, kahit mahina.

Siguro raw ay bading din ang boyfriend/live-in partner ng aktor o isang bi. Kasi, ang dialogue nga raw ng aktor dito ay huling-huli niya ito na nakikipaghalikan sa lalaki nito.

Sino si aktor? Mahusay siyang artista at kaya pala magaling siya sa role na bakla ay dahil isa pala siyang tunay na bading. (Rommel Placente)