‘Bading’ na-stroke o nahulog sa pader?

Iniimbestigahan ng Manila Police District-homicide section kung biktima ng heat stroke o nahulog sa tinutulugang mataas na pader ang 46-anyos na umano’y ­bading na nakitang patay, kahapon ng umaga sa gilid ng Intramuros Golf Course sa Maynila.

Ayon kay SPO1 Bernardo Cayabyab, imbestigador ng MPD-hs, dakong alas-7:30 ng umaga ng matagpuang nakahandusay sa estero sa gilid ng golf course sa bahagi ng Sta. Lucia St., sa Intramuros ang biktimang si Pempenio Ampo, palaboy sa lugar.

Sa impormasyon nakuha, madalas makitang lasing at natutulog sa gilid ng pader na may taas 5 hanggang 6 na talampakan ang biktima.

Ayon sa isang Ramil Anota, 47, namataan niya ang biktima na hindi gumagalaw at may luma­labas na dugo sa bibig at ilong.

Wala naman nakitang sugat sa bangkay na palatandaan kung pinatay ito.