Badminton, golf, skateboarding pinayagan sa GCQ

Pinayagan na ang paglalaro ng badminton, golf, tennis, at skateboarding sa mga lugar na nasa ilalim ng general community quarantine (GCQ).

Nakasaad ito sa Resolution No. 38 na inilabas noong Mayo 22 ng Inter-Agency Task Force for the Management of Emerging Infectious Diseases (IATF-EID) kung saan kasama rin sa mga pinayagan ay ang iba pang uri ng ehersisyo katulad ng walking, jogging, running, at biking.

Subalit muling ipinaalala ng IATF sa publiko na panatilihin ang pagsunod sa mga safety protocol katulad ng physical distancing para iwas hawa sa coronavirus disease 2019 o COVID-19.

Limitado rin ang operasyon ng mga club house o mga katulad na establisimiyento.

“Operations of the relevant clubhouses or similar establishments, if any, shall be limited to basic operations,” nakasaad sa Section 4(13) ng IATF Resolution No. 38. (Prince Golez)