Sisimulan ng National University ang title-retention bid ng men’s badminton ng UAAP Season LXXIX badminton tournament.

Una sa listahan ng Bulldogs ang A­damson University Soaring Falcons sa alas-otso ngayong umaga at saka i­susunod ang University of Sto. Tomas Growling Tigers bukas sa parehong oras sa Rizal Memorial Badminton Hall.

Puntirya ng National University ang pangatlong sunod na titulo.

Sa katunayan wala pang talo ang NU sa 18 ties simula Season 77, umaasa ang Bulldogs na maipagpatuloy ang ang kanilang perfect run kahit wala si last season’s MVP Peter Magnaye na nakumpleto na ang kanyang playing eligibility.

Haharapin naman ng runner-up sa huling dalawang seasons na De La Salle ang host Far Eastern University ngayon at University of the Philippines bukas.

Sa women’s division, puntirya rin ng Lady Maroons three-peat.

Kalaban ng UP ang Ateneo ala-una ng hapon ngayon at Season 78 third placer De La Salle bukas (1 p.m.).