Bae Suzy, di pa naka-move on kay Lee Min Ho

lee-min-ho-bae-suzy

SOBRANG disappointment para sa mga Korean press na umattend ng comeback showcase o album press launching ng Korean Actress/singer na si Bae Suzy.

Pagkatapos na ma-disband ang grupo niyang ‘Miss A’ at break-up nila ng Korean actor na si Lee Min Ho (na ngayon ay kasalukuyang nagsi-serve ng kanyang military service) ang 2nd solo mini-album niyang ‘Faces of Love’ na ginanap sa Yes24 Live Hall sa Seoul ang una niyang solo comeback.

Dahil sa ilang isyu na wala pa halos direktang kasagutan mula sa kanya, hindi na nakapagtatakang maraming tanong na ibinato sa kanya ang press.  ‘Yun nga lang, na-disappoint ang mga Korean press na tila hindi naka-deliver si Suzy.  May nag-headline pa na, “An embarrassing comeback show.”

Ayon sa lumabas sa allkpop.com, sinabi raw ng Korean press na consistent si Suzy sa mga sagot na irrele­vant sa tanong.  Nang tanungin daw ito tungkol sa pagkaka-disband ng grupo nila, ang layo raw ng sagot na, “It’s a new challenge to me so I’ve prepared hard.” Bukod dito, ni hindi raw makapagbigay ng magandang paliwanag si Suzy tungkol sa bago niyang album.

Nang tanungin ito kung anong klaseng love ang gusto niyang ipakita sa album niyang Faces of Love, sumagot ito nang, “Love at 25 means…” at hindi na nasundan ang sagot at saka sinabi na lang na “sorry.”  Para naman sa mga reporterts na nasa comeback showcase event ng K-actress/singer, wala naman daw ‘harsh’ na tanong na ibinato rito, talagang hindi lang ito naka-deliver at inisip na walang alam si Suzy sa sarili niyang album.

Naramdaman din naman ni Suzy na maraming press ang nadismaya sa pagsagot niya kaya naman humingi rin ito agad ng paumanhin. Aniya, “I apo­logize for not giving satisfying answers.”

 At dahil sa pangyayari, ilang netizens ang nagbigay ng kanilang opinyon kay Suzy. Dapat daw ay magbasa pa ito ng maraming libro at mag-practice ng pagsasalita. Meron namang nagsabi na, “Just pretty face with no knowledge.”

Teka, hindi kaya hanggang ngayon, hindi pa rin tuluyang nakaka-move-on si Suzy sa naging break-up nila ni Min Ho?

Sa isang banda, sa kabila ng negatibong impresyon ng Korean press kay Suzy at mga negatibong artikulong naglabasan dahil sa nangyari, pagda­ting naman sa pagiging aktres niya, positibo ang bagong balita sa kanya na di umano’y may offer ang MBC na pagtambalin sila ni Nam Joo Hyuk (Weightlifting Fairy Kim Book-joo) sa bagong drama, ang “Come Hug Me.”

 Kung tatanggapin ito ng management ni Suzy na JYP Entertainment, mabilis ang magiging kasunod ng huling drama niya, ang While You We’re Sleeping ng SBS na nag-final episode lang noong November 2017.