KAMAKAILAN lang, negatibong mga artikulo at balita ang lumabas kaugnay ng showcase at album launching ni Bae Suzy bilang solo artist, ang ‘Faces of Love’ na ginanap sa Yes 24 Live Hall sa Seoul.

Nakatanggap ito ng mga pangba-bash mula sa mga reporters na dumalo dahil marami sa mga tanong ang hindi nasagot ng tama o maayos ni Suzy. Sa kabila ng panghingi niya ng paumanhin, hindi pa rin napigilan ang Korean press na magsulat ng hindi maganda sa kanya at maging ibang netizens ay binatikos siya.

Pero heto, tila mabilis ang pambawi ni Suzy. Kung dismayado sa kanya ang Korean entertainment press, iba naman pagdating­ sa mga tagahanga niya.

Halos na-overwhelmed ang mga tagahanga ni Suzy dahil sa ipinakita niyang pagkagalante. Aba, mahigit sa $6,000 ang nagastos ni Suzy para sa mga ipinamahagi raw nito sa 800 fans na dumating sa kanyang showcase at pre-recording.

As in, bawat fans ay may natanggap na gift bag mula sa singer/actress na naglalaman ang bawat bag ng 20 packs of Nescafe instant coffee, keychain, light stick at slogan.

Bukod dito, namigay pa raw sa bawat isa si Suzy ng Lancome Lip gloss na nagkakahalaga ng W42,000. Na ang halaga ng item lang na yun lahat-lahat ay nasa 33.6M KRW na!

Pero ilang araw bago pa ang showcase, sa kanyang naging comeback performance sa M! Countdown, namigay rin daw si Suzy rito ng special gift bag sa 350 attendees naman. May lamang lightstick, special photo cards at Didier Dubot ring na may halagang W100,000 KRW ($92 USD).

Eh, sa Lancome lip gloss at Didier Dubot ring pa lang, gumastos na si Suzy ng 68.9 million KRW o $63,112 USD para sa mga fans niya!

Aba, maaaring hindi siya ganoon kabango sa mga reporters pero pagdating sa mga fans niya, walang-duda kung gaano nila ka-love ang ex-girlfriend ni Lee Min Ho, ha!