KINARIR ni Maine Mendoza ang transformation niya bilang taong grasa sa Eat Bulaga nu’ng Sabado.

‘Tangong Grasa’ ang labanan sa bagong EB segment na Challenge Accepted kung saan sumayaw ng Tango ang celebrity contestants habang nakataong grasang karakter.

Feel na feel ni Menggay ang marungis at nanlilimahid look niya dahil isa pala sa dream roles niya ang gumanap bilang taong grasa.

May ginawa pa silang social experiment habang naka-disguise siya. Nag­lakad-lakad siya sa may Roxas Blvd. hanggang Baclaran habang namamalimos.

Karamihan ng mga tao ay iniiwasan ang taong grasang si Meng, pero may isang mabait na lalaking nagtitinda ng lumpia na naawa sa kanya at binigyan siya ng tinda nitong lumpia.

Meron ding isang tindero ng taho na pumansin sa kanya at binigyan siya ng taho.

Maine Mendoza
Maine Mendoza

Touched si Maine sa dalawang good Samaritans na ‘yon, kaya pinakita sa EB ang pics ng mga ito at inimbitahan niya ang dalawa sa Broadway studio dahil meron siyang sorpresa.

Sa Tango dance number nila ni Alden R­ichards ay humahawa ang dumi ni Meng sa all-white suit ni Tisoy.

Kahit ang dirty niya ay niyakap at kinarga pa rin siya ni Alden at iuuwi na raw siya nito.
Pati mga Dabarkads ay nagpapiktyur kay Menggay gaya nina Tito Sen at Joey de Leon.

Sey ni Tito Joey, hindi lang taong grasa si Meng kundi mukha itong ZOMBIE.

Sa pinost na pic ni Maine sa Instagram ay feeling model siya bilang taong grasa na naka-high heels.

***

Maine Mendoza at Megan Young
Maine Mendoza at Megan Young

Maging si Megan Young ay nagpapiktyur kay Menggay nu’ng finally ay magkita na sila in person sa studio dahil nag-judge si Megan sa Music Hero portion.

“Told her we would take a picture next time when she wasn’t in costume but Maine insisted. Siya na ang nauna sa beauty queen aura.

“Nice meeting you, Maine!” ang masayang caption ni Megan sa pic nila ni Meng na pinost niya sa IG.

Nag-tweet pa ang leading lady ni Dingdong Dantes sa Alyas Robin Hood ng, “Just met Maine Mendoza who is the sweetest by the way.”

Kung lahat ay naaliw sa Pak Ganern na taong grasa look ni Meng, si Baeby Baste ay nasyokot at ayaw lumapit sa kanya!

6 Responses

  1. Khit taong grasa napaka glamorosa pa rin ni Menggay! hehe! Since birth kc mayaman si Maine d nya nranasan maghirap kya dream nya mging taong grasa na gumagala sa lansangan. Mayaman angkan ng Mendoza dto sa Bulacan lhat yta ng negosyo meron cla, like Gas stations, Mini Mart/Supermarket, Hospitals, Schools, Drug Stores, Rice Mills, etc etc…mga Mendoza may ari, angkan nila…Gsto nya sguro mranasan at mramdaman pghihirap ng taong grasa pra lalo nya mbigyan ng value at importansya ang swerte meron sya sa buhay! I salute you Maine, hbang ang iba pretending to be rich ikaw nman walang arte at ngpipilit mranasan mging mahirap! You’re one of a kind! Dont ever change, yan ang minahal syo ng millions! ???