Bagatsing Centennial Classique iho-host ng MJC

Punong-abala ang Manila Jockey Club sa Ramon Bagatsing Centennial Classique sa Aug. 21, Linggo, sa San Lazaro Leisure Park sa Carmona, Cavite.

Nasa pang-walong taon na ang racing festival na kumikilala sa nagawa sa horse racing ng da­ting Manila Mayor na 100 years old na sana ngayon.

“We celebrate the memory of my father, and his life’s achievements by holding this annual racing festival,” wika ng panganay na lalaki ng ex-mayor na si Amado Bagat­sing, dating Congressman ng Manila 5th District.

Sinabi naman ni Philippine Racing Commission chairman Andrew Sanchez na malaki ang naiambag ni Ramon Bagatsing sa karera, ilan dito ang pagpapasimuno ng Gran Copa de Manila.

Major races ng festival ang 1,750-meter 3-year-old Centennial Classic tampok ang imported versus local horses Radio Active, Homonhon Island, Dewey Boulevard, Space Needle at Daiquiri Lass.

Sa 1,750-meter 4-year-old-and-above Challenge of Champions, hagaran sina Atomicseventynine, Haley’s Rainbow, Dixie Gold, Court of Honour, Kanlaon, Love To Deatch at Marinx.

Unahan sina Real Flames, Pinay Pharoah, Leave It To Me, Mr. Noble, Guanta Na Mera, Xen Young, Double Rock, Bite My Dust, Pinagtipunan, Kundiman, Play It Safe at Creative sa 1,500-meter 3-year-old local Challenge Race.

Sabay nito ang 5th leg ng Philracom 2000-meter Imported/Local Challenge.

Live na mapapanood ang races sa San Lazaro Broadcasting Network sa Cignal 97, Sky Cable 113, Destiny 84, at sa 250 Manila Jockey Club-affilia­ted Off-Track Betting stations. Online ay sa www.manilajockey.com.

Bahagi ng kikitain ay para sa Kabalikat ng Bayan sa Kaunlaran o KABAKA.