Bagets dinukot, pinilahan sa hotel

Arestado ang dalawa habang pinaghahanap pa ng mga tauhan ng Manila Police District-Police Station 1 ang dalawa pang lalaki na inireklamo ng 14-anyos na biktima ng gang rape noong linggo ng madaling-araw sa loob ng isang hotel sa may Tondo, Maynila.

Nasa kustodiya ng MPD-PS 1, ang dalawang suspek na sina Jaycee Sarcauga, alyas ‘Dudong’, 20 pedicab driver at taga No. 1689 F. Varona St. Tondo, Maynila at Jaymark Relos, alyas ‘Maymak’, 18, may ka-live in at taga No. 1675 F. Varona St. Tondo, Maynila.

Pinaghahanap pa ang dalawang suspek na hindi binanggit ang pangalan dahil menor- de-edad.

Sa reklamo ng biktimang itinago sa pangalang Malou, taga Gumamela St. Tondo, Maynila naganap ang insidente dakong alas-kwatro ng madaling-araw sa loob ng Minitel Hotel sa may Road 10, Tondo, Maynila.

Kasama ng biktima nagreklamo sa pulisya ang kanyang ama matapos itong magsumbong sa ginawa ng mga suspek.

Naglalakad umano siya nang hatakin at tutukan ng patalim ng mga suspek at dinala sa loob ng hotel at saka pinilahan at halinhinang ginahasa.

Nakatakas umano ang biktima nang makatulog ang mga suspek at kaagad nagsumbong sa mga magulang na unang nagreklamo sa kanilang barangay.