Bagets nabitin, naaktuhang hubad na papatong sa dalagitang lasing

Arestado ng mga awtoridad ang isang 17-anyos na binatilyo makaraang mahuli sa aktong walang saplot na pumasok sa kuwarto ng biktimang kapwa niya menor de edad at pagtangkaang reypin sa Bustos, Bulacan kamakalawa.

Base sa report ni P/Major Leopoldo Estorque, acting Bustos police chief, kay P/Col. Lawrence Cajipe, acting Provincial Director ng Bulacan PNP, nakapiit na ngayon ang hindi pinangalanang binatilyong suspek sa tangkang pangri-rape sa kapwa 17-anyos na dalagitang itinago sa pangalang “Nene”, kapwa residente sa Bustos, Bulacan.

Nabatid na naganap ang insidente noong Linggo ng gabi matapos na magkainuman ang biktima, suspek at ilan nilang kaibigan sa Barangay Cambaog, Bustos. Nang malasing ang biktima ay ipinasya na nitong umuwi ngunit lingid sa kaalaman nito’y lihim siyang sinundan ng suspek, pinasok sa loob ng kuwarto ang dalagita, hinubaran sabay hubad din ng suot na damit ng suspek.

Nakatakda nang reypin ng suspek ang dalagita nang biglang dumating ang magulang ng biktima at mahuli ito sa akto kaya hindi natuloy ang panggagahasa.

Kaagad ipinaalam sa mga barangay tanod ang insidente kaya inaresto ang suspek bago inilipat sa kustodiya ng pulisya. (Jun Borlongan)