Tsansa na ng mga batang volleyball netter na ipakita ang kanilang talento at makakuha ng experience pagsabak nila sa Philippine Superliga Collegiate Grand Slam na sisimulan sa Nobyembre 3 sa susunod na buwan.
Para kay University of the Philippines (UP) head coach Godfrey Okumu, pakakawalan niya ang kanyang rookies at batang players sa inaugural edition ng inter-collegiate tournament upang hubugin at maging handa sa kanilang sinasalihang collegiate league.
Atat na si Okumu na pamunuan ang Lady Maroons na makabalik sa Final Four ng University Athletic Association of the Philippines (UAAP), sinabi nitong malaking bagay ang pagsali ng kanyang koponan sa CGS para sa kanilang paghahanda.
“My team is composed of very young rookie and veteran members. So, this tournament will help us get the exposure we need,” saad ni Okumu. “I believe that my team will learn again how to deal with losses and wins every game. So to me, this tournament can help us grow, especially our young players.”
Umayon naman si Far Eastern University (FEU) coach Rey Diaz sa sinabi ng karibal na coach.
“We treat it as a blessing. This is such a big blessing to the players,” ani Diaz. “We’re expecting our players to gain a lot of exposure and raise their level of competition here in the PSL.”
Ang nasabing event ay suportado ng Isuzu, Sogo, Senoh, Asics, Mikasa, Mueller, UCPB Gen, Bizooku kasama ang ESPN5, Hyper HD at Aksyon TV bilang broadcast partners.