Pinangunahan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang pagbubukas ng bagong airport terminal sa Mactan, Cebu.
Ang Mactan-Cebu International Airport Terminal 2 ay inaasahang makakabawas sa air traffic sa Cebu. Ang Cebu City ang isa sa paboritong puntahan ng mga turista kaya dagsa ang biyahe ng mga eroplano.
May lawak na 65,000 square meters ang bagong airport, mas moderno at dinisenyo ito para mabawasan ang air traffic sa Cebu.
Isa sa pangunahing direktiba ng Pangulo sa mga empleyado at tauhan ng bagong airport terminal ay huwag magbubukas ng bagahe ng mga pasahero dahil hindi sasantuhin ang mga ito.
Humanga ang Pangulo sa bagong airport dahil maganda aniya ang pagkakagawa at nahigitan ang kanilang airport sa Davao City.
“Hindi ko akalaing ganito kaganda ito. Napakaganda ng airport n’yo. I congratulate secretary Art (Tugade) for this project,” anang Pangulo. (Aileen Taliping)