AVAILABLE na sa iTunes simula September 9­­ (Friday) ang bagong album ni Alden Richards sa GMA Records.

Ang mga bibili ng bagong album ni Alden online ay magkakaroon ng 2 instant gratification tracks.

Ibig sabihin, makukuha na nila agad ang dalawang kanta mula sa bagong album bago pa man mailabas ang physical copy/CD.

Sa October 10 ang release ng physical ­album ng Pambansang Bae.