Sa mahabang panahon, tampulan ng katatawanan ang kagamitan ng Armed Forces of the Philippines (AFP); kundi “kawawang cowboy”, kinakantiyawan ang Philippine Air Force (PAF) na puro lang “air” at “walang force”.
Nakakatawa subalit masakit sa tainga ang katotohanan na nalipasan ng panahon ang AFP lalo pa’t bilyun-bilyong piso ang laman ng peryodiko na tumatagas dahil sa katiwalian na gawa ng ilang namuno bago pumasok si dating Pangulong Noynoy ‘PNoy’ Aquino sa Malacañang.
Sa nagdaang 6-taon, hindi maitatanggi ang modernisasyon ng AFP, maliban kung sadyang bulag at bingi sa katotohanan na ginagawang itim ang kulay puti dahil pinapaniwala ang sarili sa kanyang kahangalan sa buhay kung kaya’t ‘di tinatanggap ang pagbabagong-bihis nito.
Pansinin ang modernisasyon sa hanay ng kapulisan at kasundaluhan, hindi naman nagrereklamo ang mga sibilyan kundi ang grupong maaaring makabangga ng pamahalaan — ito’y takot sa bagong kagamitan dahil hihina ang kanilang puwersa at mauuwi sa barya ang donasyon mula sa labas ng bansa.
Sa ilalim ng AFP Modernization program, nakabili ng bagong armas ang AFP; hindi lang baril kundi barko at eroplano na maaaring gamitin sa panahon ng kalamidad para mapabilis ang pagresponde at pagsaklolo sa mga nangangailangan.
Ang binabantayang teritoryo ng kasundaluhan sa West Philippine Sea (WPS) — ito’y hindi kailangang daanin sa balsa o magsasagwan ng ilang araw para lamang mapalitan ang mga naka-station sa isla dahil sa modernong kagamitan, mas mabilis ang aksyon ng pamahalaan.
Hindi lang ‘yan, nabigyan ng inspirasyon at lakas ng loob ang buong AFP dahil todo-suporta ang administrasyong Aquino na lalo pang nagpatibay kung anong klaseng lahi ang mga Pilipino, mapa-loob o labas ng bansa ang mga ito.
Simula taong 2010, hindi mabilang sa daliri ang mga kagamitang nagpalakas sa AFP — ilan lamang dito ang 2-FA aircraft na makukumpleto ang kabuuang 12 units ngayong taon. Alam n’yo na ngayon kung bakit nanggagalaiti sa galit ang kaliwang grupo at halos pumutok ang mga ugat sa leeg sa kasisigaw sa Mendiola para kontrahin ang modernisasyon, aba’y posibleng mabura ang kanilang grupo.
Sa panahon ni PNoy nakabili ng 8 combat utility vehicles, 2 navy ships, 5 naval helicopters, 8 attack helicopters, 3 medium life aircrafts, 114 armored personnel carriers (APCs), 120 ambulances, tactical radios, mobility trucks, at 63 libong assault rifles.
Ika nga ni dating Marine General Natalio Ecarma na nagsilbing force commander ng United Nations Disengagement Force sa Golan Heights — “matapang at magaling ang sundalong Pilipino”.
Ngayong nalinang ang kasanayan ng kasundaluhan at nabigyan ng sapat na pondo at suporta sa panahon ni PNoy, konting pihit na lamang ang gagawin ng bagong gobyerno para lalo pang tumatag ito. Laging tandaan: “Bata mo ‘ko at Ako ang Spy n’yo.”
(Twitter: follow@dspyrey)
Tama… Kung may ganyan palang kagamitan bakit namatay at pinabayaan ang 44 SAF
Sa mga nabiling bagong kagamitan ng AFP , magkano kaya ang nakurakot .Bakit sobrang bilib mo pa rin kay PNOY ? Siguro bulag ka kaya nakashade ka kahit araw at hindi mo nakikita ang gabundok na problemang iniwan ng amo mo.Buti na lang hindi sya sinisisi ni Digong sa unang sona at di katulad ng amo mo na walang ginawa sa sona kundi magtuturo at manisi sa loob ng 6 na taon ..UNGAS