Bagong Corporate Code pinalakpakan sa Kamara

Pinuri ni dating Interior and Local Government Secretary Mel Senen Sarmiento ang pagsasabatas ng bagong Corporation Code of the Philippines.

Inaasahan na ang bagong batas ay makakatulong para makakaagapay ang mga kompanya sa pangangailangan ng modernong panahon.

“The Revised Corporation Code introduces several substantial innovations that seek to streamline the entry of new industries and corporations,” ayon kay Sarmiento, dating congressman ng Samar at orihinal na nag-akda ng panukala na muling inihain ngayong 17th Congress ng kapatid nito na si Samar Rep. Edgar Mary Sarmiento.

Makikinabang din aniya sa bagong batas ang mga kasalukuyang korporasyon dahil papayagan na ang mga board meeting gamit ang makabagong pamamaraan (electronic means).

Batay pa sa bagong batas, aalisin na ang minimum na bilang ng mga incorporator, papayagan ang one-man corporation at babaklasin ang 50-taong corporate term limit na nakapaloob sa lumang corporate code.

“This law aims to improve ease of doing business in the country by allowing a one-person corporation, removing the minimum capital requirement and providing for perpetual existence of a corporation,” sabi ni Sarmiento.

Isa pa sa importanteng probisyon nito ayon kay Sarmiento ay pahihintulutan ang Securities and Exchange Commission (SEC) na tanggalin ang mga diskuwa­lipikadong miyembro ng Board of Directors o Trustees.

“This law would definitely allow business to thrive better as it simplifies the rules on corporate management. I am glad that it has finally been signed into law by President (Rodrigo) Duterte,” ani Sarmiento.