HINDI naisip nina Marian Rivera at Ai Ai delas Alas na matatalo ng GMA show nilang Sunday PINASaya ang institusyon nang ASAP ng ABS-CBN.
Umabot na kasi sa mahigit 20 years ang nasabing Sunday show ng Kapamilya network at lahat ng itinapat dito ng Kapuso network ay nagsara at natalo lahat.
This time ay kinakabog ng SPS ang ASAP sa ratings kahit mag-iisang taon pa lang ito.
Sabi ni Marian, siguro, bawat taong inilagay sa show nila ay may dahilan at may kanya-kanya silang parte sa programa kaya ito naging successful.
Bibilib ka raw sa team ng SPS na nag-iisip at nagkokonsepto ng mga ginagawa nila sa show na siya mismo, pagkabasa niya pa lang ng script ay natatawa na siya.
Sey ni Yanyan, ang masasabi niyang sikreto ng tagumpay ng programa ay dahil mahal nila ang isa’t isa at sinusuportahan nila ang kakayahan ng bawat isa.
***
Para kay Ai Ai, God’s blessing ang matalo nila ang katapat nilang show dahil never nilang naisip na mangyayari ‘yon nang simulan nila ang Sunday PINASaya.
Ang lagi lang sinasabi sa kanila ni Chairman (tawag nila kay Mr. Tony Tuviera ng APT Entertainment) ay gagawin nila ang show para mapasaya ang mga tao at para maiba ang Sunday ng televiewers.
But not necessarily para pataubin ang katapat. So, nagpapasalamat sila sa Panginoon na naging #1 sila sa kanilang Sunday timeslot at maging sa National ratings ay talo nila ang kalaban.
Ayon kay Ai Ai, nakasanayan kasi ng mga manonood ang kantahan at sayawan tuwing Linggo ng tanghali.
Ang SPS ay mas comedy. Eh ang mga tao, sa dami ng problema ay gustong tumawa kaya naging successful ang kanilang programa.
Isang pamilya sila na masaya every Sunday.
Pinakamadali para kay Ai Ai ang ‘Star Buzz’ portion nila nina Wally Bayola at Barbie Forteza dahil as herself lang siya roon, wala siyang ginagaya o ini-impersonate.
Bukod kina Marian, Ai Ai, Wally, Barbie, Jose Manalo, Alden Richards, Valeen Montenegro, Jerald Napoles, Joey Paras at Julie Anne San Jose, bagong dagdag sa SPS barkada sina Andre Paras, Ruru Madrid, Gabbi Garcia, Gladys Guevarra, Mike ‘Pekto’ Nacua, Atak, Lovely Abella at Kim Last.
Ayon kina Marian at Ai Ai, sa 2-part first anniversary celebration (September 4 & 11) ng Sunday PINASaya ay lilibot sila sa buong Pilipinas, may bagong dance craze silang ipapauso at marami silang pasabog na guests.
Sa Sept. 11 ‘yung gagawin nilang first live musical play on TV, na magta-travel mula Manila papuntang Ilocos hanggang Davao.
Tinalo ang asap? In your dreams. Lahat andun sa asap lalo na ang class
YUN NGA EH.. KAYA KAUNTI NA LANG ANG NANUNUOD DAHIL puro NA SILA class..
ISIPIN MO NA MAS MADAMING tao SA PILIPINAS ANG HINDI PA class..
Gusto namin PA-MASA..
Anyare kay Boobsie? Hindi ba siya regular sa SPS?