tonite-this-is-it-roldan-castroMay bagong statement ang Head, Integrated Corporate Communications ng ABS-CBN 2 na si Kane Errol Choa tungkol sa papalit kay Direk Erik Matti sa ‘Darna’.

“ABS-CBN and Star Cinema are pleased to announce that award-winning filmmaker Jerrold Tarog is the new director of “Darna,” with Liza Soberano in the lead role.

Jerrold, who successfully helmed the critically-acclaimed hits “Heneral Luna” and “Goyo: Ang Batang Heneral,” has warmly accepted the project and will soon commence working on the film.

ABS-CBN and Star Cinema are grateful to Artikulo Uno Productions for graciously allowing Jerrold to do the project. We welcome Jerrold’s fresh take, innovative ideas, and signature directorial style to make Darna’s return to the big screen a rare cinematic experience for moviegoers.”

Talbog!

***
Miss Intercontinental 2017 Veronica nasa ‘Pinas

Dumalo ang kasalukuyang Miss Intercontinental 2017 na si Veronica Salas Vallejo ng Mexico sa welcoming at staging city ng 47thMiss Intercontinental beauty pageant sa pamamagitan ng presscon. Ginanap ito sa Condrad Hotel.

Dumating din ang CEO ng Miss Intercontinental Organization Detlef Tursies, CEO ng Miss Intercontinental Japan Joanna Leonisa Gimena Miyamae, COO ng Miss Intercontinental Japan Kumi Miyamae, Binibining Pilipinas Intercontinental 2018 Karen Gallman at Miss Intercontinental Japan 2018 Akari Maeda.

Ang Miss Intercontinental ay gaganapin sa Maynila sa Enero 26, 2019 sa pakiki­pagtulungan ng Department of Trade and Industry (DTI).

Ang international pageant ay lalahukan ng mahigit 80 bansang kakatawanin ng kani-kanyang kandidatang magpapaligsahan para sa korona.

Adbokasya ng timpalak ang pagkakaiba-iba ng kagandahan (diversity of beauty) at pagbibigay kapangyarihan sa kababaihan (women empowerment).

Sa Japan sana gaganapin ang pageant pero sa kawalan ng venue dahil sa Olympic games inilipat ito sa Maynila.

***
Rocky ng Clique V may birthday concert

Gusto naming batiin ng happy birthday ang isa sa member ng Clique V na si Rocky Rivero. Meron siyang mini concert para sa kanyang 21st birthday sa Water Nymph Resort sa Concepcion Dos, Marikina.

Si Rocky ay isa sa bida sa pelikulang ‘Kodep’ kasama si Quinn Carillo, ibang members ng Clique V at Belladonnas, Ana Capri, Ronnie Lazaro, Via Veloso, at Rosanna Roces.

Naghahanda naman ang Clique V sa kanilang second major concert sa last week ng February, 2019 kasama ang Belladonnas.

Ang Clique V ay binubuo nina Blaize, Calvin, Clay, Sean, Karl, Rocky, Kaizer, Marco at Gabby.

Ang Clique V at Belladonnas ay hawak ng 3:16 Events and Talent Management Company ni Ms. Len Carillo.