May bagong puwersa ng mga sundalo na itinatag si Pangulong Rodrigo Duterte para tutuldok sa mga pag-atake ng bandidong abu sayyaf sa Jolo,Sulu.
Personal na pinangunahan ng Pangulo ang pagtatatag ng 11th Infantry (Alakdan) Division sa Kuta Heneral Teodulfo Bautista Headquarters noong Lunes.
Dahil dito, mayroon ng 11 infantry divisions ang Philippine Army.
Nais ng Pangulo na matiyak ang kaligtasan at seguridad ng mamamayan sa lugar laban sa karahasan ng mga bandidong Abu Sayyaf.
Kasamang inilagay ng Pangulo ang mga air asset ng Philippine Air Force para matiyak ang pag-neutralize sa mga bandido.
Kasama ng Pangulo sa Sulo noong Lunes sina Defense Secretary Delfin Lorenzana at Presidential Adviser for Military Affairs Arthur Tabaquero.