Kamakailan lang ay na-link ang 43-year-old actor na si Leonardo DiCaprio sa 20-year-old, Argentine model/aktres na si Camila Morrone. Siya rin ay isang artista tulad ng kanyang mga magulang. Amain niya ang aktor na si Al Pacino.

Si Morrone ay ipinanganak sa Buenos Aires, at ngayon ay naninirahan sa L.A., kung saan sila unang nakitang magkasama ni DiCaprio noong kalagitnaan ng Disyembre habang namimili sa Barneys.

Nagsisimula nang mapansin ang kanyang husay sa larangan ng mode­ling. Napili siya bilang pinakabagong modelo ng Ramy Brook (isang brand ng mga damit para sa mga babae) sa Hollywood. Pu­ring-puri at humaha­nga sa kanya ang designer ng Ramy Brook na nagsabing ang kanyang kabataan, fresh ­energy at husay magdala ng damit ay malaking factor para sa kanilang mga bagong koleksyon.

Ngayon ay madalas na silang nakikitang magkasama ni DiCaprio sa mga dinadaluhan nilang mga okasyon kabilang na ang Coachella Festival, kung saan nakita silang masayang nakikipagbiruan kay Eminem.

Nito lang Martes ay nakitang nagdi-dinner ang magkarelasyon sa isang Italian restaurant, sa Madeo sa Beverly Hills. Nakita rin silang magkasama sa Colorado noong nakaraang taon kasama ang malapit na kaibigang aktor na si Tobey Maguire. Si Leonardo ay ilang beses nang na-link sa iba’t ibang modelo kabilang si Bar Refaeli, Toni Garrn, Nina Agdal and Kelly Rohrbach.