Naghain ng panibagong petisyon kontra sa pagpapalawig ng Martial Law sa Mindanao ang inihain kahapon sa Supreme Court (SC).
Pinamunuan ni dating Commission on Elections chairman Christian Monsod ang paghahain ng bagong petisyon, dahil dito itinulak ng SC ang nakatakda sanang oral argument ngayong araw na gagawin na sa Enero 29.
Hiniling ng grupo ni Monsod na ideklara ng SC na unconstitutional ang extension ng Proclamation No. 216 ng isa pang taon hanggang Disyembre 31, 2019.
Una nang naghain ng petisyon ang oposisyon na mambabatas na si Albay 1st district Rep. Edcel Lagman at ang militanteng si Makabayan bloc Bayan Muna party-list rep. Carlos Isagani Zarate.
“The present factual situation no longer calls for an extension of martial law and the suspension of the privilege of the writ of habeas corpus,” nakasaad sa 30 pahinang petisyon.
Iginiit ng grupo ni Monsod na alinsunod sa 1987 Constitution kinakailangan na may umiiral na aktuwal na rebelyon at may kinakailangan para sa public safety para payagan ang extension ng martial law.
Inirekomenda nila sa SC na magsagawa ng ‘independent inquiry, investigation, scrutiny and judgment’ at huwag lamang magbase sa report mula sa executive branch.