HAVEY: Exciting ang mga susunod na araw ng most awarded and highest rating primetime teleserye ngayon na FPJ’s Ang Probinsyano.

Pagkatapos manalo ng iba’t ibang awards ang programa at ang lead actor nito na creative consultant din na si Coco Martin, magkakaroon ng major storycon at media announcement ang bagong kabanata ng Ang Probinsyano.

Namatay na si Verna (Agot Isidro) at hindi natin alam ang kasasapitan ng kanyang pamilya — pero magbubukas na ang panibagong yugto ng buhay ni Cardo na may mga bagong tauhan at napapanahong mga personalidad at karakter na siguradong pag-uusapan.

The good thing about Ang Probinsiyano ay easily relatable ang mga tauhan dito at parang satire, ipinapakita nito ang sitwasyon ng mga pulis kaya ramdam natin bilang ordinaryong mamamayan ang hirap na pinagdaraanan nila pati na ang ilang sakit ng ating lipunan.

Nakakaaliw rin ang magiging likaw ng kuwento ni Tita Susan Roces na magkakaroon ng sariling katunggali na magdadagdag ng kasasabikan at katutuwaang subplot ng teleserye.

Aabangan natin ang mga kontrobersyal na karakter na papasok sa programa, at tingnan natin kung paano nila matatapatan ang costume-heavy na Mulawin vs Ravena.

Magaganap na ang kaabang-abang na duwelo ng Ang Probinsyano at Mulawin vs Ravena.

Ano kaya ang kalalabasan? Abangan!

Iza, nanlumo sa sinapit ng movie

WALEY: I just need to give way to the words of our director-friend Armand Reyes na nagsabing, “Sad to admit, malaking porsiento ng mga napanood kong local films lately ay napakahihina sa takilya.”

Sa isang informal na talakayan ng ilang concerned filmmakers, nabanggit (uli) ang audience development — ang paghasa sa mga manonood kung alin ang pelikulang dapat panoorin.

Ilang taon nang sinasabing dapat subsidized ng government ang filmmaking.

Mahal na ang panonood ng pelikula. Kung ide-develop ang Pinoy audience, dapat mas mura ang tiket (kundi man libre) –subsidized nga kasi.

“Maski magpanalo sa foreign festivals — nang hindi ine-educate ang local moviegoers — ang Cine Lokal at iba pang festivals ay hindi makakaakit ng manunood,” sabi ni Direk Arman.

“Nakadalawang sets of indies na akong nakapanood sa Cine Lokal (Iadya Mo Kami at Imbisibol sa SM North EDSA Cinema 7 at 8), lilima lang kaming nasa sinehan maski sa primetime ng movie watching @ around 6:00 PM, 8:00 PM.

“Bukod sa bonggang launch, sana ay may kaagapay na promo at marketing para magkaroon ng awareness sa local festival na ito.

“Sadly, maski sa lobby ng cinema sa malls, ni tarpaulin ng indie na ini-screen ay talagang IMBISIBOL.”

“Oh My GOD — Iadya mo po ang Pinoy Cinema na muling maisantabi to oblivion,” hinagpis ng direktor ng orihinal na Dormitoryo.

Sumang-ayon ang kaibigan nating writer at direktor ng pelikulang Dose na si Senedy Que, “Korek! Bonggang launch and all with President Duterte in attendance pa — then waley na — ni hindi ko alam kung anong palabas unless I accidentally pass by the SM mall theater mismo.

“No FB posts, no ads, no social media pages (and I’m active on social media) — nothing, nada, sayang.”

O kulang siguro dahil may nakita naman akong FB announcement ng May movies pero waley reaksyon ang mga tao.

Senedy went on saying, “And then they will again rant about theater owners why no indie films are being shown regularly — market it well and those who complain, go watch in groups! Otherwise, do not complain and rant and curse the theater chains!

“Just like Bliss — where are the people who said they want quality, kakaibang movies? This was pretty well-advertised and marketed — but where art thou people?!”

Nasaan ba ang napakaingay at opinyonadong moviegoers? Bakit tila nananahimik sila ngayon?

Iza Calzado
Iza Calzado

In the end, naiisip tuloy ng ibang sektor, that we deserve the movies that we have.

Tuloy, nagpost ang international award-winning actress na si Iza Calzado at sinabing, “Hey Guys… it is with deep sadness that I am posting this. From 62 cinemas we are down to 6 cinemas. Please please go and support and keep watching our film BLISS so theater owners will keep us in cinemas and maybe even add more cinemas once they see that there is a demand from the audience and that people want to watch.

“WE CAN DO THIS!!!!”

The good development is, as the day closed kahapon, mukhang puno ang mga sinehan ng napakalimitadong showing ng BLISS at hindi rin kalakasan ang mga pelikulang nagbukas kahapon kaya baka mabigyan pa ng mas mara­ming sinehan ang obrang ito ni Direk Jerrold Tarog.

Sana. Sayang kasi kung hindi.

***

For your comments, opinions and contributions, you can DM me on IG and tweet me at @iamnoelferrer.

2 Responses

  1. iilan na lang yung mga taong mahilig sa intelihenteng pelikula mas pabor nila yung magandang panoorin, magandang visual effects, bukod pa sa mga kilalang artista. kaya mas kumikita ang mga foreign movies..

  2. Maganda ang pelikulang Bliss…sa mga intelektwal na tao ito…kung gusto nyong gumana utak nyo e panoorin nyo ito…nanood ako kasama mother ko sa Glorietta nung weekend…at puno ng tao ang sinehan.. let us support our local films whether commercial film yan or indie film…kaya panoorin nyo ang pelikulang Bliss.