Schedule ngayon (UST Quadricentennial Pavilion)
2:00 p.m. – Ballroom Dance Competition (Plaza Mayor)
5:30 p.m. – Opening Ceremonies/Concert

Iba sa nakagawian ang ihahatag na opening ceremonies ng host University of Santo Tomas para sindihan ang UAAP Season LXXIX ngayong hapon.

Wala munang laro ngayon, sa halip ay sayawan at concert muna. Bukas, Linggo, ang umpisa ng hostilidad sa basketball.

“It will be very simple opening ceremonies this year,” ani Season 79 president Fr. Ermito de Sagun.

Sa Plaza Mayor sa loob ng UST grounds sa Espana papasinayaan ang bagong season.

Taong 2011, hindi rin nagkaroon ng mga laro sa basketball sa opening day nang gawin ng noo’y host Ateneo ang ceremonies sa Marikina Sports Park.

“We thought we’ll try to start it differently,” dagdag ni Fr. de Sagun. “We thought of having the cheerdance to start the season. Ballroom dancing was added to the opening ceremony to make things more interesting.”

Demonstration sport pa lang ngayong season ang ballroom dancing at kasali lahat ng eskuwelahan maliban sa Far Eastern U.

Sa siklab ng men’s basketball bukas sa Smart Araneta Coliseum, papagitna ang University of the Philippines Fighting Maroons at Adamson U Falcons sa alas-dos, susundan ng girian ng Tigers at Ateneo Blue Eagles sa alas-kuwatro.