Tuloy ang mga pagsiklab ng rekord sa athletics at swimming kasabay sa inaasahang muling pagsakote ng National Capital Region sa 15th straight overall championship sa penultimate day kagabi ng 61st Palarong Pambansa 2018 sa President Elpidio Quirino Stadium sa Bantayan at sa iba pang lungsod at bayan dito sa Ilocos Sur.
Umukit ng bagong marka si Thanya Angelyn dela Cruz ng Metro Manila sa secondary girls’ 13-17 100-meter breaststroke sa 1:17.35 tiyempo para gold medal at umeklipse sa 1:17.56 ni Mary Sophia Manantan ng Mimaropa sa heats.
Nakuha ng Calabarzon ang ginto nang magsanib sina Veruel Verdadero, Jovian Calixto, John Roy Lazaro at Anthony Bacle sa secondary boys’ 4x400m relay sa inilistang 3 minutes and 22.34 seconds.
Sinisid naman ni Big City swimmer Michaela Jasmine Mojdeh, 12, ang ikaanim niyang gold medal sa pagprimera sa elementary girls’ 12-under 100m breaststroke sa 1:19.59 clockings at idagdag ito sa mga unang tagumpay niya sa 100 butterfly, 200m individual medley, 50m fly at 4x50m at 4x100m medley relays.
Umabot na ang nakolekta ng MM Stalwarts sa 80 gold, 59 silver, 43 bronze medals para sa napipintong ika-15 kabit na pangkalahatang titulo sa ragasang nagsimula sa 1996 South Cotabato PP.
Malayong nasa segunda sa NCR sa katayuan sa talaan ng medalya ang Region IV-A sa 47-37-58, kasunod ang Region VI sa 37-36-45 sa isang linggong kumpetisyon ng may 12,000 high school at elementary school student dito.
Bumatak naman si Kent Brian Celeste ng Western Visayas ng 1.99m sa HS boys high jump na tumabon 2015 Palaro mark ni Alexis Soqueno at pamayagpagan ang HSboys high jump.
Kaugnay nito, kinasaya ni Philippine Sports Commission chairman William ‘Butch’ Ramirez ang mga record sa edisyong ito ng Palarong Pambansa.
“With so many records falling one after the other, we are all convinced that we are seeing the dawn of a new renaissance in Philippine sports. It shows that our youth have grown faster, tougher and stronger,” These bid well for the future of sports in the country as it paints a hopeful picture of a greener athletic landscape,” aniya.