Papasok umano sa Enero, 2020 ang isang American ride-hailing app Arcade City na makikipag kumpetensiya sa Grab at Angkas.
“Though our new version 4 mobile app will be available worldwide on January 1st, we will be making a special push into the Philippines for both car and motorbike transportation,” ayon sa kompanya.
Nabatid na sa Arcade City ay magpapatupad ng ‘decentralized’ at ‘peer-to-peer’ ride-sharing platform, kung saan ang drivers at pasahero ay maaring magnegosasyon sa kanilang pasahe.
Kumpara sa Grab at Angkas na ang app ang nagtatakda ng pasahe base sa kanilang guidelines mula sa transport regulators.
Ayon sa Arcade City ang driver at motorcycle rider ay makukuha ang 100% ng kanilang fare.
Una umanong nakapasok sa Pilipinas ang Arcade City noong 2017 pero na-block ang operasyon ng regulators dahil ginagawa pa lamang ang kanilang guidelines para sa ride-sharing services.
Sinabi ng Arcade City sa 35,000 user ng kanilang app version two-thirds ay mula sa Pilipinas. (Juliet de Loza-Cudia)