Bagong sasakyan ‘di dapat hulihin

Nilinaw ngayon ng Land Transportation Office (LTO) na hindi pa dapat hinuhuli ang mga bagong sasakyan na wala pang plaka

Ayon kay LTO Chief Edgar Galvante, ang mga bagong sasakyan ay mayroon umanong conduction stickers at ito muna pansamantala ang gagamitin bilang plaka at magsisilbing basehan ng color coding.

Makikipagpulong ang LTO sa Metropolitan Development Authority (MMDA) at iba pang traffic enforcers upang ipaliwanag na hindi dapat hulihin ang mga bagong sasakyan dahil lamang sa kawalan ng plaka.

Aminado si Galvante na may pagkukulang ang LTO at hindi kasalanan ng mga may-ari ng bagong sasakyan kung bakit wala pa silang plaka.

Kailangan umanong malinaw sa mga traffic enforcer ang paghuli sa mga bagong sasakyan at hindi dapat na mag-suffer ang mga may-ari ng sasakyan kung bakit wala pa silang plaka, ayon kay Galvante.