Binigyan ng bagsak na grado ng mga militanteng manggagawa si Pa­ngulong Rodrigo Duterte sa ika-114 na taong selebrasyon ng Araw ng Paggawa ngayong Mayo Uno sa Mendiola, Maynila.

Ang pagbibigay ng bad mark ng grupong NAGKAISA kay Pangulong Duterte ay dahil umano sa kabiguan ng Punong Ehekutibo na tumugon sa mga karaingan na kinakaharap ng mga manggagawa sa buong bansa.

Kabilang sa mga suli­raning ito sa paggawa ay ang matagal na nilang hinihiling na tuldukan ang contractualization o endo, mababang pasahod, diskriminasyon sa ­suweldo ng mga manggagawa sa mga lalawigan at kanilang kapatas sa mga lungsod gaya ng National Capital Region (NCR).

Aminado ang grupo na dismayado sila dahil sampung buwan na nasa puwesto si Pangulong Duterte ngunit hanggang ngayon ay walang natutupad sa mga pinangako nito sa mga manggagawa noong kandidato pa lamang siya sa May 2016 election.

Binanggit din ng grupo na ginawa nila ang ­lahat ng pakikiisa sa mga hakbang ng gobyerno gaya ng pagdalo sa mga workshop, pagpupulong, summit at congressional hearings upang ipakita ang kanilang interes na matapos ang contractuali­zation sa pribado at publikong sector.

Sinabi ni Alan Tanjusay, tagapagsalita ng ­Associated Labor Unions (ALU), na sa kabila ng pagmamalaki ng pamahalaan na tumaas ang ekonomiya ng bansa ay buma­bagsak naman ang kabuhayan ng mga manggagawa na nahaharap sa 3.4 porsiyentong inflation rate na naitala noong Marso 2017.

Aniya, sa ­ginawang monitoring ng ALU, ang purchasing ­power ng P491 daily ­minimum wage sa NCR ay nasa P361 noong Pebrero 2017 samantalang ang mga manggagawa naman sa labas ng NCR ay nasa P250 kada araw.

Giit ni Tanjusay, mababa ito sa 2015 standard poverty level na P393 required amount na kailangan ng isang pa­milya na may limang miyembro para mabuhay.

“This condition needs immediate response from government and employers. Workers are now desperate and if this is met inaction many will resort desperate means to survive,” giit ni Tanjusay.

30 Responses

  1. Di naman sila ng bumuto kay Digong. Itong mga makaliwa ang ibinuto nila sy si Roxas at Robredo, Nakatanggap na nman siguro ng salapi kaya sinsiraan naman si Tatay Digon.Itong grupong ito ay makapera.

  2. kahit naman nun nag-aaral pa yan eh puro lang bagsak grades nyan. inamin naman nya dati na ang laman lang ng ulo nya eh puro balakubak. at kaya pala pinapatay na lang yun mga mahihirap para less problem ng gobyerno. at kung cno pa yun mahirap sya pa yun tinatawag na mga big time drug lord na ang ebidensya lang eh 3 sachet ng shabu.. ibig sabihin ba yun mga trolls at 16M idiot eh puro mayayaman? aba big time!

      1. HUWAG MO NG INTINDIHIN SI NESTOR KSE MATINO ANG TAONG YAN
        ANG MAHALAGA EH NAPATUNAYAN MO NA SIRA ULO KA HAHAHAHA ..HEHEH
        SIYEMPRE NAMAN KAYA NGA MAKA-DUTERTE KSE SIRA ULO, DI BA? HAHAHAHA ..HEHEH

      2. Meron kana pala idea na mga hepe at nakabullet proof at helmet ni bato ang pumapatay. Punta ka police station or media para ma -share mo at maipakulong na si bato. Meron kana pala evidence baka masayang yan.

      3. Patunayan mo nga, hanggang ngaun kasi hindi nyo matanngap na si digong na presidente.. kaya lahat ng pamumulitika at paninira gagawin ng mga amo nyo..

      4. TAMA KA, BAKIT NGA BA HINDI NILA MATANGGAP NA MAY PRESIDENTE TAYUNG MAY SAYAD SA ULO
        MABUTI PA TAYUNG MAKA-DUTERTE TODO SUPORTA NATIN KAY DIGONG, ABA EH SINO PA NGA BA ANG MAGKAKAMPIHAN EH DI TAYU NA PARE-PAREHONG SIRA ULO, DI BA? HAHAHAHA ..HEHEH