BAGSAK SA BOARD NAG-SUICIDE

Tumalon sa sarili nitong kamatayan ang 23-anyos na Psycho­logy student dahil sa sobrang depresyon nang bumagsak sa ibinigay na licensure examination ng Professional Regulations Commission (PRC) sa ikaapat na palapag ng hotel na pinaglilingkuran ng kanyang ina, kamakalawa ng hapon sa Ermita, Maynila.

May isang oras pang ginamot sa Manila Doctors Hospital, ang biktimang si Joanna Gaytona, taga 160 Guzman St. Quiapo, Maynila bago ito tuluyang binawian ng buhay dakong alas-2:44 ng hapon dahil sa matinding pinsala sa ulo at katawan.

Nabatid kay PSupt. Albert Barot, station commander ng Manila Police District-Police Station 5, naganap ang insidente dakong ala-1:40 ng hapon sa may Tropical Mansion Hotel.

Isinama umano ng kanyang inang si Thelma Gaytona ang biktima sa hotel at habang naglilinis sa ika-apat na palapag ng hotel ay nawala sa kanyang pansin ang anak at hindi na niya napansin ang ginawa nitong pagtalon.

Kaagad humingi ng tulong sa guwardiya ng hotel na si Chruschey Pala­tao para maisugod sa pagamutan ang biktima.

Inamin ng ina ng biktima na mula noong Set­yembre 24 hanggang Oktubre 11 ay na-confine sa Philippine General Hospital (PGH) ang biktima matapos dumanas ng depresyon bunsod ng pagbagsak sa licensure examination ng Psychology.

“Victim was suffe­ring stress with perso­nal dilemma for not passing the recent Board Exami­nation in the field of psychology profession,” ayon kay Barot.

Tumanggi nang magpa-imbestiga ang ina ng biktima sa paniniwalang walang naganap na foul play sa pagkamatay ng anak.