Hindi lang mga taga-Metro Ma- nila ang apektado ng Coronavirus Disease 2019 (COVID-19). Umabot na rin sa iba pang probinsya sa Lu- zon, Visayas hanggang Mindanao ang ligalig sa banta ng naturang sakit.

LUZON

*Laguna

Kinumpirma ni Gov. Ramil Hernandez na may isa nang kaso ng COVID-19 sa lalawigan. Sa kanyang Facebook page, sinabi nito na taga-Sta. Rosa City ang pasyente at nasa kanyang pangangalaga. Dagdag ni Hernandez, galing sa Research Institute for Tropical Medicine (RITM) ang kumpirma- syon hinggil dito at nagsasagawa na ang provincial government at pamahalaang lungsod ng Sta. Rosa ng contact tracing at validation ng mga taong nakasalamuha ng pasyente sa nagdaang
14 araw.

*Batangas

Umakyat na sa apat ang kaso ng COVID-19 pinakahuli ang isang residente mula sa Lipa City na nag- positibo sa virus. Wala pang nilalabas na anumang impormasyon ang mga health official ng Batangas hinggil sa panibagong kaso maliban sa
kumpirmasyon ni Lipa City Mayor Eric Africa na ginagamot ngayon ang pasyente sa isang ospital sa labas ng lalawigan.

*Cavite

Kinumpirma ng tanggapan ni Si- lang Vice Mayor Aidel Paul Belamide na nagpositibo sa COVID-19 ang isang pasyente. Sa kanyang FB page, sinabi nito na sa ilang test, pinatotohanan ng Department of Health na nagpositibo sa
COVID-19 ang pasyenteng lalaki na isang medical practitioner. Unang iniulat na may COVID-19 infected sa Cavite na isang 50-anyos na seaman galing Japan. Kasalukuyang ginagamot ito sa RITM sa Muntinlupa City.

*Abra

Inihayag ni Gov. Joy Bernos noong Sabado na isang 39-anyos na seaman na residente ng lalawigan ang nagpositibo sa coronavirus. Aniya, galing ang seaman sa Gitnang Silangan at dumating sa bansa noong Marso 8. Pero bago pa man aniya dumating sa kanilang lugar ito ay itinuturing na siyang person under investigation kung kaya’t pinayuhan na mag-self
quarantine ngunit nabigo itong ipaalam sa kanyang pamilya at sa mga kinauukulan.

*Cagayan

Dineklara noong Sabado ang state of calamity sa Cagayan para makontrol ang paglaganap ng COVID-19 sa lalawigan. Ayon kay Gov. Manuel Mamba, nirekomenda ang pagpapatupad ng community quarantine sa lalawigan pero nasa pagpapasya ito ng mas matataas na awtoridad. Inutos na rin ng gobernador ang suspensiyon ng klase sa lahat ng antas sa mga pribado at publikong eskuwelahan.

*Catanduanes

Nilagdaan ni Catanduanes Acting Gov. Shirley Araojo ang executive order para isailalim sa community quarantine ang lalawigan bilang proteksyon laban sa kumakalat na COVID-19. Sa kanyang kautusan, walang bisita o turista na papayagang makapasok sa lalawigan. Ang sinomang person under monitoring ay kinakailangang mag-self quarantine at mag-report sa Barangay Health Emergency Team para sa validation.

*Ilocos Norte

Dineklara ni Gov. Matthew Manotoc na isailalim sa community quarantine ang buong lalawigan sa ilalim ng Executive Order 60-20. *Ilocos Sur Ilang baryo sa bayan ng Sta. Cruz ang nagbantay sa kalsada noong Sabado upang malaman kung sino-sino ang mga dumating galing sa Maynila. Nabatid kay Kagawad Jojo Turgano ng Brgy. Sevilla, Sta. Cruz na pinasyalan nila ang mga residenteng dumating mula Maynila upang abisuhan na mag-self quarantine sa loob ng 14 araw.

*Bulacan

Sinuspinde ni Gov. Daniel Fernando ang klase sa buong lalawigan, pampubliko o pribado man, hanggang Abril 14, 2020. Hinimok din nito ang mga ma- gulang na bantayan ang kanilang mga anak at iiwas sa pagpunta sa mall, palengke, sinehan at matata- ong lugar.

*Sorsogon

Sinuspinde ang klase sa lahat ng antas, pribado at publikong eskuwelahan.

*Taytay, Rizal Ayon kay Taytay Health Officer Dr. Jeffrey Roxas, sa ngayon wala pang nagpositibo sa COVID-19 sa kanilang bayan pero may ilang person under investigation at pinauwi na rin dahil negatibo ang resulta ng pagsusuri sa kanila.

Sinabi ni Mayor Joric Gacula na alerto sila sa Taytay para mapigilan ang paglaganap ng virus dito.

VISAYAS

*Iloilo

Nag-isyu ng executive order si Gov. Arthur Defensor Jr. para higpitan ang pagpasok at paglabas ng mga tao sa kanilang lalawigan sa pamamagitan ng community quarantine maliban sa mga opisyal at kawani ng gobyerno gayundin ang mga medical, health at humanitarian worker.

*Eastern Samar

Hindi magpapatupad ng community quarantine ngunit hihingan ng ‘declaration of health’ ang lahat ng residente nito at mga bibisita na kailangang isumite sa mga entry point sa lalawigan. Isasara rin ang mga kalye ngunit ito ay mula alas-12:00 ng hatinggabi hanggang alas-kuwatro ng madaling araw lamang at papayagan naman ang mga emergency case na lumabas o pumasok sa lalawigan.

*Cebu

Nagpatupad ng travel restriction ang provincial government kaya kinansela ng Cebu Pacific ang mga flight nila. MINDANAO *Soccsksargen Nanawagan ang Department of Health-Region 12 sa mga residente at bisita galing Metro Manila at iba pang lugar na may kumpirmadong kaso ng COVID-19 para boluntaryong sumailalim sa self-quarantine sa loob ng 14 araw.

*Cotabato City

Nakatakdang ipatupad ngayong Lunes, Marso 16, ang com- munity quarantine na katulad ng ginawa sa Metro Manila. (Edwin Balasa/Allan Bergonia/Elech Dawa/Jun Borlongan/Vick Aquino/Eileen Mencias/ Otto Osorio/Aivan Espicope/ Ronilo Dagos)