Baguhan pa lang ang aktor na ito sa industriya kaya kakaunti pa lang ang kanyang pera. Pero gusto niya na mag-party sa kanyang first birthday sa showbiz at maging memorable kaya lahat ng tao na nakatulong sa kanyang pagpasok sa showbiz ay kanyang inimbitahan. Kakaunti lang naman ang mga ito.

Hanggang sa lumalim na ang gabi at sabay-sabay na dumating ang mga nagseseksihan at naggagandahang mga babaeng modelo, Ang iba ay Russian models pa.

Nagulat ang celebrator dahil wala naman siyang in-invite na iba, sila-sila lang at higit say lahat, hindi niya ito kakilala.

Nagkasubuan na. Malakas tumoma ang mga bilat kaya na-stress si aktor. Sure siyang na kukulangin ang kanyang budget.

Lasing na ang lahat pati ang mga gakang modelo. Pa-simpleng um-exit si aktor at naghanap ng ATM machine.
Pagbalik niya sa venue ay patuloy pa rin na lumalaklak ng alak ang mga gaka. Nang kunin na ni aktor ang bill, tamang-tama lang talaga ang kanyang pera, may konting sobra, pang-Grab.

After niya mabayaran ang bill ay nakahinga na nang maluwag si aktor. Mabuti na lang kamo, nagkasya ang kanyang pera.

Panay ang tanong niya sa kanyang inimbitahan kung sino ang nag-invite sa mga babaeng iyon. Walang umamin kaya hanggang ngayon, palaisipan pa rin kay actor kung sino ang madiwarang kumaray sa mga hitad na ‘yun.

Sino ang bagitong aktor na muntik nang maghugas ng plato at baso dahil dinaluyong siya ng maraming modelong magaganda?

Hmmm… Bagong parte siya ng isang sikat na TV show for a while. Ngayon ay ratsada siya sa mga raket bilang endorser at paborito siyang kunin ng mga show promoter. Napakaguwapo niya at marami siyang mga follower sa social media.