SAGLIT naming nakatsikahan ang isang baguhang aktor na bida sa isang series.

Sa tsikahan na ‘yon, tinanong namin si baguhang aktor kung aware ba siya na nagiging controversial siya lately.

“Controversial?!” balik-tanong sa amin ni baguhang aktor.

Pero maya-maya lang, nag-dialogue ito sa amin ng, “Ah, alam ko na!”

Nakuha kaagad ni baguhang aktor na ang tinutukoy namin na nagiging controversial siya ay ‘yung inili-link siya sa isang sikat na aktor.

Sa reaksyon ni baguhang aktor, mukhang hindi siya worried sa intrigang ‘yon.

Isang malapit kay baguhang aktor ang nagsabi sa amin na hindi na nila pinapansin ang intrigang ‘yon na halatang imbento lang!

2 Responses