Baguhang director, producer may giyera sa Facebook

tonite-diva-chronicles-alwin-ignacio

Mabuhay sa mga artista at pelikulang Pilipino na nangabog during the recently conclu­ded Fantasporto 2019 Film Festival sa Portugal.

Hep, hep, hooray para kina Ina Raymundo na best sa isang international film festival. Sa “Kuya Wes” nanalo si Raymundo. ‘Yung unang best actress win ni Raymundo, parang wala na yatang nakakaalala, super throwback na kasi ang panalo niya, 18 taon na ang nakalipas, para sa “Tuhog.”

Dahil sa panalong ito, may chance na hindi na mag-first day, last day sa mga sinehan ang pelikulang si Ogie Alcasid ang bida. Siyempre pa, marami ang magiging mausisa kung paano at bakit nanalo ang natatanging Sabado Nights lady of yore.

Mother roles na ang ginagampanan ni Ina sa telebisyon at bilang unlucky wife in an unhappy marriage, patotoo ito na kering-keri pa ni Raymundo na maging leading lady, huh.

Ang Philippine Comedy Queen, si Ai-Ai delas Alas, tinanghal din bilang best actress. At nagmamataray na ang international best actress trophies ni Aileen, pangatlo na niya para sa “School Service.”

Para sa “Area,” Best Actress siya sa 2017 AIFFA (ASEAN International Film Festival at sa 2017 Queens World Film Festival.

Ang isa pang major acting winner ay si Dante Rivero, best actor trophy ang kanyang inuwi para sa pelikulang “Kung Paano Hinihintay Ang Dapithapon (Waiting For Sunset).”

Ang pelikula, wagi rin bilang Special Jury Prize sa Director’s Week competition (non-genre official section).

Ang nakakabaliw na kaganapan matapos ang tagumpay na ito, kasalukuyang may FB word war ang mga the WHO no more, ang producer Omar Sortijas versus the director Carlo Enciso Catu.

Naku, iba talaga ‘pag tarayang baklang mata­talino ang nagaganap. Ang sarap basahin, panalo ang mga patutsadahan at mga akusasyon.

Ang nakakaloka, puwede namang pag-usapan ang gusot privately at personally, sa FB pa talaga nagtarayan, ano ito, fame who­ring lang?

Mabuti pa si direk Louie Ignacio, walang masyadong negatrons sa buhay niya kaya masayang-masaya sa inuwing Orient Express Special Jury Award para rin sa “School Service.”

Ang diva that you love ang wish, sana sina Ai-Ai delas Alas at Ina Raymundo, pagsamahin sa isang drama film para may chance na magkabugan at magpagalingan ang mga hitad sa pag-arte.

Aljur swimming trunks ang panlaban sa ‘PBB Otso’

Malaking bagay ba na pumasok si Aljur Abrenica sa PBB Otso House? Parang hindi naman mas­yado lalo na nga’t hindi ako sigurado kung may mga Aljurian na patuloy na sumusuporta sa kanya, huh!

Kung ipapakita niya sa lahat nag-o-tso ang kanyang tiil, mukhang malalaki kasi at very masculine ang mga paa ni Aljur, pati na rin ang kanyang pambihirang palo-palo, baka panoorin ko na ang show. Aarte pa ba tayo?

Ang diva that you love, at sure na sure ako pati na rin ang mga miyembro ng pink community, ngayong nasa haws na siya, ang ating wish ko lang eme, lagi na lang siyang hubad baro. Ibuyangyang niya ang kanyang Machete body, kahit pa nga tatay na si Abrenica, panalo pa rin ang kanyang katawang pangromansa.

Pampataas lalo sa ratings, kung magla­langoy na swimming trunks lang ang suot ni Aljur. Magkakaalaman na kung ga-otso ang taglay niyang pambihira at kung tunay nga siyang maipagmamalaking Felix Bakat member. ‘Pag si Abrenica nag-trunks sa “PBB Otso,” ewan ko na lang kung hindi mag-sky rocket ang ratings nito at ang board shorts, walang duda, magbabagsak presyo sa merkado.

Mas panalo naman kung swimming trunks king ang bago niyang title, hindi ba naman. Pasok na pasok sa tag-init.

Sa pagpasok niya sa bahay ni Kuya, wala naman akong inaasahan na matuto siyang umarte. Alam na this. Hahahaha!