Ni Allan Bergonia

Tiniyak ng Environmental Management Bureau-Cordillera Administrative Region (EMB-CAR) na walang mangyayaring closure order sa Baguio City para sa rehabilitasyon nito gaya sa nangyari sa Boracay Island na naipasara ng anim na buwan.

Ayon kay EMB-CAR regional director Reynaldo S. Digamo, wala umanong kautusan mula sa national government na isara ang lungsod para sa pag-aayos dito.

Aniya, mismong si Environment Secretary Roy Cimatu ay tiniyak na walang anumang closure order ang nasabing siyudad sa ginawang pagpupulong ng Department of Environment and Natural Resources regional officer.

Sinabi ni Digamo na ang primary concern sa Baguio City ay ang water and air quality at solid waste management.