Baguio City super lamig

Patuloy na nararanasan sa Baguio City ang malamig na panahon makaraang bumagsak ang pinakamababang temperatura nito sa 10.2 degrees celsius nitong Linggo ng umaga.

Ayon kay Philippine Atmospheric Geophysical and Astronomical Services Administration (Pagasa) weather specialist Raymond Ordinario, ngayong PebĀ­rero ay patuloy pa ring umiiral ang amihan sa malaking bahagi ng bansa na nagdudulot ng malamig na panahon sa Luzon habang mahihinang pag-ulan naman ang mararanasan sa Visayas at Mindanao.

Bukod sa amihan, malakas din umano ang cold surge galing sa Siberian area dahil sa mga natutunaw na yelo doon sa ganitong panahon.

Sabi ng ahensiya, ang pinakamababang temperatura na naitala sa Baguio City ay 6.3 degrees celsius noong Enero 18, 1961.

Noong Sabado, Pebrero 1, naitala ang 10.6 degrees celsius na temperatura sa lungsod. (Dolly Cabreza)