Nakaranas ng pagyanig ang Baguio City kahapon kung saan ilang paaralan ang nagdesisyon na suspendihin ang klase para na rin sa kaligtasan ng mga estudyante.

Alas-8:42 ng umaga nang tumama ang magnitude 3.4 na lindol sa Baguio na naitala sa Intensity 4, ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs), na may lalim na 16 kilometro at tectonic ang origin.

Ang epicenter ng lindol ay tumama sa Pugo, Benguet.

Walang naitalang pinsala sa nasabing pagyanig.

Sa report ng Office of the Civil Defense (OCD), ilang paaralan ang nagdesisyon na suspendihin ang klase. Maliban sa Saint Louis University ay nagkansela din ng klase ang Pines City Colleges.

Sinabi naman ng Phivolcs na walang dapat na ipangamba sa naranasang lindol dahil walang inaasahang aftershock.