Aabot sa P480 milyon ang pondong kakailanganin para sa rehabilitasyon ng Baguio City, ayon kay Department of Tourism (DOT) Secretary Bernadette Romulo-Puyat.
Inihayag ito ni Puyat sa isang press conference na ginanap Biyernes nang umaga kung saan tinalakay ang kabuuang kundisyon ng Baguio City matapos ang kanilang pagbisita sa lungsod.
Sa nasabing press conference, inihayag ni Baguio City Mayor Benjamin Magalong na kinakailangan na ng tulong ng kanilang lungsod dahil sa maruming hangin.
Noong 2019 aniya, umabot ng 1,767 ang nasawi dahil sa polusyon dahilan para makipag-ugnayan si Magalong sa DOT.
“Baguio is the 3rd dirtiest city in the Philippines, next to Cebu which is the second. Manila being the first,” pahayag naman ni Puyat.
Ayon kay Puyat, may inilaang P480 milyon ang DOT sa pamamagitan ng Tourism Infrastructure and Enterprise Zone Authority (TIEZA). (Risa Divina)