Baguio todo higpit sa polio

Mahigpit ngayon ang pagbabantay ng Baguio City Health Office (BCHO) sa sakit na polio sa nasabing siyudad.

Kinumpirma rin ito at sinang-ayunan ni Baguio City Mayor Benjamin Magalong.
Sa report ni BCHO officer Dr. Rowena Galpo, bumalik aniya sila sa mahigpit ngayong pagbabantay sa sakit na acute flaccid paralysis.

Kasabay nito ay pinayuhan niya ang mga mamamayan ng nasabing siyudad na agad ipagbigay-alam sa opisina ng BCHO kung mayroon silang kakilalang nanghihina ang paa lalo na ang mga bata.

Ipinaliwanag ni Galpo na wala pang natutuklasang gamot sa polio gayunpaman, tiniyak ng opisyal na maiiwasan ang polio sa pamamagitan ng vaccination o pagbakuna. (Allan Bergonia)