Bagyong Hanna magpapatindi ng habagat

Bagyong Hanna magpapatindi ng habagat

Magdudulot pa rin ng maulap na kalangitan, pag ulan na may kasamang kulog at kidlat sa buong bansa si Tropical Depression ‘Hanna’ na patuloy na nagpapalakas sa habagat.

Dahil dito ay nagbabala ang Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (Pagasa) sa posibleng pagkakaroon ng flashfloods at landslides sa mabababa at bulubunduking lugar.

Hanggang kaninang alas-tres nang mada-ling-araw (August 4), ang bagyong Hanna ay namataan sa layong 1,095 kilometers sa silangan ng Infanta, Quezon. Patuloy itong kumikilos sa northwest na direksyon sa bilis na 15 kph.

Inaasahang makakaranas naman ng maulap na kalangitan na may kasamang kalat-kalat na rainshowers at thunderstorms ang Ilocos Region, Cordillera Administrative Region, Western Visayas at ang nalalabing bahagi ng Central Luzon.

Huling namataan ang bagyo sa layong 1,095 ki-lometro mula sa bayan ng Infanta (as of 5AM).

Taglay ni ‘Hanna’ ang lakas ng hangin na 55 kph malapit sa gitna na merong pagbugso ng hangin na umaabot naman sa 70 kph.

Batay sa pagtaya ng Pagasa, maaaring makalabas sa teritoryo ng Pilipinas ang sama ng panahon sa Biyernes kung magpapatuloy ang pag-usad nito sa 15 kph na may direksiyong west northwest.

Sinabi pa ng weather bureau a sa loob ng 24 oras ay lalakas pa ito at maaaring maging isang tropical storm na. (Dolly Cabreza)