Bagyong Liwayway exit na, bagong LPA namataan

Isang panibagong sama ng panahon ang namataan sa Mindanao, sa oras na pumasok ito ng Philippine Area of Responsibility (PAR) ay tatawagin itong bagyong Marilyn.

Ayon sa Philippine Atmospheric Geophysical and Astronomical Services Administration (Pagasa), ang bagong Low Pressure Area (LPA) ay huling namataan 1,050 km north east ng Mindanao, dahil malayo pa ang sama ng panahon ay wala pa itong direktang epekto sa bansa.

Samantala, palabas na ng PAR ang bagyong Liwayway na huling namataan sa Basco, Batanes, kasabay ng paglabas nito ng bansa ay inalis na rin ng Pagasa ang nakataas na storm warning signal sa lalawigan.

Bagama’t palabas na ng bansa ay may hatid pa rin na pag-uulan ang bagyong Liwayway na pinalalakas pa rin ng hanging habagat. Aasahan pa rin umano na makararanas ng katamtaman na pag-uulan sa Batanes, Babuyan Islands, Ilocos Region, Cordillera Administrative Region (CAR), Zambales at Bataan. (Tina Mendoza)