Bagyong ‘Samuel’ binaybay ang Southern Leyte

Patuloy ang galaw ng bagyong ‘Samuel’ patungong Southern Leyte, batay sa inilabas na ulat ng Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (Pagasa).

Ayon sa ahensiya, namataan ang sentro ng bagyo sa layong 250 km east ng Maasin City, Southern Leyte o 165 km east-southeast of Guiuan, Eastern Samar (10.4 °N, 127.1 °E ).

Makararanas ng malakas na pag-ulan na posibleng magkaroon ng pagbaha sa Visayas, Bicol Region, Mimaropa, Dinagat Islands at Siargao island.

Pinapayuhan ang mga residente sa nasabing lugar, partikular ang mga nasa tabi ng mga ilog, mababa at bulubunduking lugar na maging alerto, manatiling mag-monitor at makipagkoordinasyon sa mga local disaster risk reduction and management office.

Sinabihan din ang mga mangingisda na huwag munang maglayag sa mga karagatan ng nasabing lugar, lalo na sa northern and eastern seaboard ng Luzon.